Naghihintay na lamang ng go signal mula sa Transport Regulators ang Motorcycle Taxi Player Esetgo Corporation para makapag-umpisa sila ng operasyon.
Ayon kay Esetgo Founder and CEO John Alexis Revilla, kapag binigyan sila ng green light ng Department of Transportation (DOTr), magsisimula silang tumanggap rider applicants at sasailalim sa safety training.
Ang kumpanya ay magkakaroon ng initial operations sa Metro Manila at posibleng palawakin ito hanggang sa ibang lugar sa bansa.
Susundin din nila ang fare system na itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa Motorcycle Taxis.
Nilinaw ni Revilla na hindi sila itinatag para kalabanin ang namamayagpag na Motorcycle Hailing Service na Angkas, nais lang din nilang mag-alok ng alternatibong transportasyon.
Sa ngayon, nakatuon sila sa pagpapabuti ng kalidad ng kanilang serbisyo.
Ang Esetgo App ay available for download sa pamamagitan ng Google Play Store para sa Android.
Batay sa Fare System, 50 Pesos sa unang dalawang Kilometro, 10 Pesos sa mga susunod na Kilometro hanggang pitong Kilometro, 15 Pesos kada Kilometro kung ang biyahe ay lalagpas ng pitong Kilometro, at may 1.5x fare surge.