Isang 45 taong gulang na motorcyclist ang namatay habang nagmomotor ito sa Interstate 95 sa Florida nitong Linggo.
Sa tweet ng Official Troop D Highway Patrol ng Florida, pinakita rito ang ang helmet na tinamaan ng kidlat na ikinamatay nito.
“This is what’s left of a 45 year old man’s helmet after he was struck by lightning, while riding his motorcycle southbound, on I-95 in Volusia County this afternoon. Unfortunately he did not survive the crash.”
This is what’s left of a 45 year old man’s helmet after he was struck by lightning, while riding his motorcycle southbound, on I-95 in Volusia County this afternoon. Unfortunately he did not survive the crash. pic.twitter.com/uFklUPY8r1
— FHP Orlando (@FHPOrlando) June 9, 2019
Hindi inidentify ng mga pulis ang biktima na nakatira sa Charlotte, North Carolina. Kaagad na rumosponde ang mga awtoridad.
Ayon sa National Weather service, mayroong 49 na katao ang namamatay sa Estados Unidos kada taon. 90 porsyento lamang dito ang nakakaligtas at 10 porsyento ang namamatay.
Tinatayang Florida ang may pinakamataas na bilang ng biktima ng natatamaan ng kidlat sa loob ng sampung taon mayroon itong 47. Pumapangalawa naman ang Texas na may 20.