Motorist Assistance ng PDRRMC Isabela, Nakamonitor Ngayong Undas

Ilagan, Isabela – Mula pa noong Oktubre 28, 2017 ay nakaantabay ang ipinakat na mororist assistance ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council(PDRRMC) para sa mga maglalakbay papasok o palabas ng Isabela ngayong undas.

Ito ang napag alaman ng RMN News Team sa panayam kay Ginoong Edmond A Guzman, ang pinuno ng Isabela PDRRMC.

Ayon sa kanya ang motorist assistance center ay 24 oras na minamanduhan ng composite team mula sa PNP, BFP at ng Disaster Action Responsible Team (DART) 831.


Ang assistance center ay para sa mga sasakyang posibleng masiraan habang binabaybay ang maharlika hi-way na sakop ng Isabela.

Ang mga biyahero ay puedeng komontak sa mga hotline numbers ng PDRRMC Isabela na 0915-819-3187, 0921-585-2341 at (078) 323-0416 halimbawang sila ay makaengkuwentro ng aberya sa mga kalsada ng Isabela.

Ang motorist assistance center ay makikita sa harap mismo ng PDRRMC sa capitol compound ng lalawigan.

Facebook Comments