Ayon sa naging panayam ng 98.5 IFM Cauayan kay Chief Mallilin, binalaan nito na ang sinumang motorista ang maaktuhang nagmamaneho ng nabanggit na maiingay na muffler ay kaagad na huhulihin at papatawan ng kaukulang parusa.
Ang mga mahuhuli ay pagmumultahin ng nasa P1,000 – P5,000 depende sa iba pang violations nito katulad ng hindi pagsusuot ng helmet at kawalang lisensya.
Samantala, nagpaalala rin si Chief Pitok sa lahat ng mga motorista na maging marespeto dahil karamihan aniya sa mga taong nabubulabog ng maiingay na tambutso ay yaong mga nagpapahinga galing sa maghapong pagtatrabaho o pag-aaral.
Inaanyayahan rin ang publiko na kung mayroon mamataan na mga motoristang mayroong “Bao-bao” o maiingay na tambutso ay agad itong ipaalam sa kanilang himpilan upang kanilang maaksyunan.