Karla Estrada, pinagtanggol ang kanyang anak sa mga basher

Pinagtanggol ni Karla Estrada ang kanyang anak na si Magui sa Twitter dahil sa patuloy na pang ba-bash rito tungkol sa pagiging “fake fan” nito sa kilalang korean boy group na EXO.
Sa kanyang twitter post, aniya “Lahat tayo, kasama ang anak kong si Magui, ay may karapatan maging fan. If you are bashing your own idol, yun ang fake fan. Wala tayong karapatan para pigilan ang isang tao para maging follower ng Korean stars. As in wala.”


Sinamahan niya pa ito ng mga hashtag na “Huwag makitid” at “Wag madamot sa di mo pagaari.”
Gumamit daw kasi di umano ng backer ang kanyang anak para makabili ng ticket sa darating na concert ng nasabing grupo na labis na kinainisan ng ilang fans.


Facebook Comments