Motorista, Pinisak ng Bus!

990

Echague, Isabela – Patay ang isang motorista kagabi matapos bumangga sa inilagay na harang ng lansangan at agad na nasagasaan ng Bus na kasunod nito partikular sa pambansang lansangan ng Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si John Denver Bambico Ramirez, 36 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Calao, Alicia, Isabela habang kinilala naman ang suspek at driver ng Victory Bus na si Gerome Echanes Rillon, 43 anyos, may asawa at residente naman ng Brgy. Dipintin, Maddela, Quirino.

Sa imbestigasyong isinagawa ng mga otoridad ay napag-alaman na ang motorisklo na minamaneho ni Ramirez ay patungong hilagang direksyon at pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay nabangga nito ang mga harang sa kalsada ng kasalukuyang inaayos na lansangan at natumba ito at tumilapon.


Hindi naman kaagad napansin ng paparating na Victory Bus na minamaneho ni Rillon at nasagasaan nito ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa pagresponde ng mga otoridad ay nakitang walang pag-asa ang biktima na maligtas dahil napisak ito ng bus makaraang mangyari ang naturang aksidente.

Samantala, dinala na sa Echague Police Station ang suspek maging ang dalawang sangkot na behikulo para sa kaukulang disposisyon.



Facebook Comments