Motorista sa San Mateo Isabela, Biktima ng Hit and Run!

76

Luna, Isabela – Nagatamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang motorista matapos na mabangga at tinakbuhan ng hindi pa malamang uri ng sasakyan kaninang madaling araw habang bumabaybay sa National Highway ng Brgy. San Miguel, Luna, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Joselle Mirabel Bernal, nasa tamang edad at residente ng Purok 6, Victoria, San Mateo, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Luna, minamaneho umano ng biktima ang kanyang kulay itim na Honda TMX 125 na walang plaka at bumabaybay sa nabanggit na lugar partikular sa harapan ng isang establisyemento ay binangga ito ng hindi malamang uri sasakyan dahil sa mabilis tumakas sa lugar.

Sa resulta ng pagkakabangga ng biktima ay nagtamo ito ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na kaagad namang itinakbo ng nagrespondeng Rescue 922 sa isang pagamutan sa Cauayan City, Isabela.

Sa pinakahuling follow-up ng RMN Cauayan sa PNP Luna ay nagtungo umano ang imbestigador ng nasabing himpilan sa Reina Mercedes dahil sa napaulat na kinaroroonan ng sasakyang bumanga sa biktima.

Samantala, hindi rin malaman kung magkano ang halaga ng nasirang motorsiklo ng biktima kung saan ay dinala na sa Luna Police Station para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments