NABABAHALA | Likod ng National Museum, ginagawang tambakan ng mga basura

13

Manila, Philippines – Nababahala ngayon ang maraming Manileños dahil nagiging tambakan na ng mga basura ang likod ng National Museum kaya at nababalahura na ang makasaysayang Museo.

Kaya tinatawagan ng pansin sina National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Penelope Belmonte at Operations Head, Engr. Salvador Cruz na gumawa ng kaukulang aksyon sa lalong madaling panahon.

Marami anilang pinagtutuunan ng pansin si Belmonte na walang kabagay-bagay gayong compound lamang kanyang tanggapan ang naturang basura na dapat niyang unahin.

Umaasa mga mga residente ng Manila na agad mabibigyan ng kaukulang pansin ni Belmonte ang mga sangkaterbang basura sa kanyang paligid upang hindi siya mapulaan ng publiko na walang ginagawang hakbang upang mapalinis ang kanyang nasasakupan.


Facebook Comments