Motorista, Sugatan nang Sumalpok sa Poste!

Cauayan City, Isabela- Nagpapagaling sa pagamutan ang isang mister matapos sumalpok sa poste ang kanyang minamanehong motorsiklo sa National Highway sa Sinsayon, Santiago City.

Sugatan sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Anacleto Tagu Jr, 43-anyos, residente ng San Vicente, Buguey, Cagayan.

Dakong 4:45 kaninang madaling araw habang binabagtas ni Tagu ang naturang lansangan lulan ang minamanehong motorsiklo na walang plaka nang bigla itong bumangga sa isang poste.


Napag-alaman na si Tagu ay galing sa lalawigan ng Bataan at uuwi na sana sa kanilang bayan sa Buguey, Cagayan.

Facebook Comments