Palengke ng Marikina dinagsa ng mga mamimili para sa paghahanda ng Kapaskuhan

Dinumog ng mga mamimili ang Marikina Public Market bilang paghahanda sa Noche Buena bukas araw ng Pasko.

Halos hindi magkamayaw sa pamimili ng mga prutas at karne ang mga kababayan nating naghahanda ng kapanganakan ng ating panginoong Hesukristo.

Maging ang Parking Area ay napuno sa dami ng taong kaya ang ibang mga motorista ay sa gilid nalamang ng palengke pumarada na namimili ngayong Bisperas ng Pasko.


Wala namang pagtaas ng presyo ng mga prutas at karne sa naturang palengke kaya dinumog ng mga mamimili upang samantalahin ang murang mga bilihin.

Facebook Comments