Motoristang Binata sa Cabatuan Isabela, Nasugatan Matapos Mahagip ang Nakaparadang Motor sa Gilid ng Daan!

Cabatuan, Isabela – Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan ang isang binata matapos na mahagip ng kaniyang minamanehong motorsiklo ang motor na nakaparada sa gilid ng daan pasado alas otso kanina sa Tandang Sora Road, Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Eli John Tanduc Taganas, bente dos anyos, binata at residente ng Rang-ay, Cabatuan, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pamunuan ng PNP Cabatuan, bumabaybay umano ang biktima sa naturang lugar kung saan ay mabilis umano ang kaniyang pagpapatakbo at nahagip ang motor na nakaparada sa gilid ng daan na naging sanhi naman na nawalan ng klontrol si Taganas sa manibela ng kanyang motorsiklo.


Sa resulta ng aksidente ay nagtamo ng malalang sugat sa ulo at katawan ang biktima na nirespondehan naman ng Rescue team ng Cabatuan at itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan para sa karampatang lunas nito.

Sa ngayon ay patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Cabatuan hinggil sa nasabing aksidente.

Facebook Comments