NBA | Jimmy Butler pormal nang miyembro ng Philadelphia 76ers; Carmelo Anthony naghahanap ng bagong koponan

Philadelphia, USA – Mula sa pagiging T-Wolf, isa nang Sixers si Jimmy Butler!

Pormal na kasing nai-trade ang all-star guard sa Philadelphia kapalit nina Jerryd Bayless, Robert Covington, Dario Saric at isang 2022 second round draft pick.

Kasama naman ni Butler na lilipat sa Sixers si Justin Patton.


Tuwang-tuwa naman ang Philadelphia sa pagdating ni Butler sa koponan.

Ayon sa managing partner na si David Blitzer malaki ang maitutulong ni Butler sa pangarap ng Sixers na muling magkampeon sa NBA.

Samantala, naghahanap na umano ng bagong koponan ang all-star forward na si Carmelo Anthony.

Kahit wala pang opisyal na pahayag ang Houston Rockets sa status ni Anthony sa team, maugong na ang mga report na bibitawan na ito ng Rockets.

Facebook Comments