Manila, Philippines – Haharap sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang rider na nagsabing pinutol ng isang traffic enforcer ang kanyang lisensya.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, pormal na maghahain ng reklamo si Ronan Pastrana sa traffic adjudication board ng ahensya.
Reklamo ni Pastrana – habang tinitiketan siya dahil sa speeding violation ay biglang pinutol ng traffic enforcer ang lisensya niya.
Depensa namang ng enforcer, tinapon ni Pastrana ang binibigay niyang tiket.
Nilinaw ni Pialago – hindi dapat ginagalaw ng traffic constable ang alimnang bahagi ng lisensya ng motorista.
Inatasan na ng MMDA ang enforcer na gumawa ng sariling affidavit kaugnay ng insidente.
Facebook Comments