Motoristang nahuling lumabag sa Anti-Distracted Driving Act, umabot na sa mahigit 300

Manila, Philippines – Umabot sa mahigit 300 motorista ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority sa ilalim ng ipinatupad na No-Contact Apprehension System kaugnay sa Anti-Distracted Driving Act.

Ang nasabing bilang ay nabuo sa loob lang ng dalawang araw na law enforcement.

Ayon kay MMDA Chairman Tim Orbos, malaking bilang ng mga nahuli ay gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.


Ang “No Contact Traffic Apprehension” policy ng MMDA ay gumagamit ng CCTV, digital cameras at iba pang gadgets para kumuha ng videos at images upang mahuli ang mga lalabag sa traffic laws, rules and regulations kung saan sakop nito ang buong Metro Manila.

Sakop ng distracted driving sa ilalaim ng bagong batas ay ang paggamit ng mobile communications devices kung saan ipinagabbawal ang pag-text, pagtawag, paglalaro, panunuod ng videos at iba pa.
DZXL558

Facebook Comments