Motoristang nakuhaan ng video na nakikipag-away sa taxi driver, hindi totoong sundalo

4451
Screenshot captured from Josh Legson Llamasarez video on Facebook.

Kumakalat ngayon sa social media ang bidyo ng alitan ng dalawang motorista sa Quezon City noong Biyernes ng hapon.

Sa viral video, makikitang nilapitan ng lalaking nagmamanehong ng SUV ang isang taxi driver at bigla niya itong sinigawan at minura.


Kahit umaatras na ang taxi driver para magbigay daan, hindi pa din tumigil sa pagtutok at paninigaw ang tsuper ng Toyota Innova.

Giit pa ng kalbong drayber, siya ay isang sundalo.

“Kung gusto niyo akong i-complain, i-complain niyo ako. Sundalo ako. Tagapagligtas ng Pilipinas. Subukan niyo akong i-complain.”

Nagsimula umano ang away matapos mag-counterflow ng SUV para harangin ang puting taxi.

Pero ang motoristang nagpanggap na sundalo, isa palang chef sa totoong buhay na kinilalang si Karl Kaw.

Ayon sa taxi driver na si Reynaldo Requillo, papaliko na siya sa Roosevelt nang biglang salubungin at sindakin ni Kaw.

Depensa ni Kaw, ginitgit ni Requillo ang kotse sa harapan nila, dahilan para makipag-away siya.

Sa muling pagkikita ng dalawa noong Linggo, nagdesisyon silang magkapatawaran kahit salungat ang mga pananaw hinggil sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers