MOTORIZED FISHING BOATS AT GAMIT PANGISDA, IPINAMAHAGI SA MGA MANGINGISDA SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Ipinamahagi ang motorized fishing boats at ilang gamit pangisda para sa mga mangingisda sa lalawigan ng Pangasinan.
Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa isinagawang “Awarding and Distribution of Motorized Fishing Boats (FRP) and Axial Flow Pump with Engine to various Fisherfolk and Farmers’ Associations in Pangasinan.”
Siyamnapu’t tatlo namang Fiberglass Reinforced Plastic boats with engine pumps & underwater fittings accessories and outrigger materials at 10 Axial flow pumps with engine ang naipamahagi pa sa mga kwalipikadong grupo ng mga magsasaka at mangingisda mula sa District I, II at IV. Layunin ng mga naibigay na gamit pangisda na maiangat ang buhay mula sa kahirapan.

Gayundin ang pagpapataas ng produksyon nito. Laking pasasalamat naman ni Gov. Guico III sa BFAR at tiniyak ang sapat na suporta para sa mga residente produksyon sa lalawigan.
Nagpakita din ng suporta sa pamamahagi ang ilan pang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments