GOOD NEWS: MGA BAGONG BEAUTY QUEENS NG PUTO FESTIVAL SA CALASIAO, KILALANIN

Matapos hindi ipagdiwang sa nakaraang dalawang taon dahil sa pandemya, muling nagbalik ang Puto Festival sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Ipinagdiriwang ito mula December 8 hanggang December 14. Naging highlight naman sa selebrasyon ang mga bagong beauty queens ng naturang festival.
Nagwagi si Alliah Mecca Velasco ng barangay Longos bilang newly crowned Miss Puto Calasiao 2022 na naganap ng December 12 sa Calasiao Sports Complex.

Dito rin ginanap nitong December 13 ang Miss Super Sireyna 2022 kung saan wagi naman si Angel Sapiera ng barangay Banaoang.
Nagtapos ang Puto Festival sa isang masayang Street Party, sa mga pangunahing lansangan ng Calasiao, gabi ng December 14, 2022 na napuno ng musika. |ifmnews
Facebook Comments