MOTORSIKLO AT KULONG-KULONG, NAGBANGGAAN SA SAN QUINTIN

Nagbanggaan ang isang motorsiklo at kulong-kulong sa kahabaan ng Provincial Rd. Brgy. Lumayao San Quintin, Pangasinan.

Ayon sa paunang ulat, may apat na sakay ang kulong-kulong at patungong silangan, nang sumobra ang patakbo ng motorsiklo at bigla na lamang umano itong bumangga sa naturang sasakyan.

Nagtamo ng galos ang drayber ng motor at hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Samantala, nagtamo rin ng galos ang drayber ng kulong-kulong maging ang mga sakay nito.

Agad namang dinala ang mga biktima sa pagamutan.

Ang mga napinsalang sasakyan ay parehong dinala sa San Quintin PS para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments