Agaw-pansin ang kakaibang bridal vehicle na ginamit sa kasal ni Fernando Montes Jr. at Lenny Soriano mula sa Brgy. Burgos, Binmaley sa isinagawang kasalang bayan.
Sa halip na isang tradisyonal na kotse, isang motorsiklo ang nagsilbing bridal vehicle nila na nagbigay ng bagong kulay at estilo sa kanilang espesyal na araw.
Ang motorsiklo na pinalamutian ng mga bulaklak at ribbons, ay naging sentro ng atensyon, nagpapakita ng pagiging simple ngunit punong-puno ng pagmamahalan.
Ayon kay Lenny at Fernando dahil sa kahirapan, motor lamang ang kanilang maaaring gamitin patungo sa kasalang bayan.
Sila ay kabilang sa 37 pares na ikinasal sa kasalang bayan, kung saan ang mga ninong at ninang ay umabot sa higit 270.
Labis naman ang pasasalamat ng bagong mag-asawa, sina Lenny at Fernando, sa pamahalaang lokal ng Binmaley sa libreng kasalan.
Samantala, ang pinakabatang kinasal ay sina Rudy, 23, at Maleah, 18, habang ang pinakamatanda naman ay sina Delmar, 61, at Josephine, 62.
Ang kasalang bayan sa Binmaley ay nagbigay ng libreng pagkakataon sa maraming magkapareha upang ipagdiwang ang kanilang pagmamahalan at bumuo ng isang legal na pagsasama.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









