Motorsiklo nasagi ng van sa Urdaneta City, 1 patay!

Urdaneta City – Isang aksidente ang naganap sa kahabaan ng Manila North Bound Road Zone 6, Brgy. Nancayasan Urdaneta City kung saan sangkot ang isang van at motorsiklo.

Ayon sa report ng pulisya nagtangka umanong mag-overtake ang van na minamaneho ni Robinson Basilio na residente ng Mexico Pampanga ng mahagip nito ang motorsiklo ng biktimang si Rogelio Mamaril na residente naman ng Urdaneta City na nagreulta ng pagkakatilapon ng biktima na agad ikinasawi nito dahil narin sa impact.

Kakaharapin naman ng suspek ang kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injury na nasa kustodiya ng PNP Urdaneta.


Facebook Comments