NEGROS OCCIDENTAL – Nagbuga ng abo ang Mount Kanlaon sa Negros Occidental, alas 6:30 kagabi.Ayon sa Kanlaon Police – nagbuga rin ang bulkan ng mga nagbabagang bato.Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) – phreatic o steam driven ang nangyaring pagsabog.Tumagal ang pag-aalburuto ng bulkan ng 20 minuto kung saan apektado ng light ash fall ang isang Sitio sa La Carlota City sa Negros Occidental.Dahil posibleng maulit ang pagsabog – mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 kilometer raduis permanent danger zone.Nakataas pa rin ang Alert Level 1 Status sa Mount Kanlaon habang nagpapatuloy naman ang assessement ng PHIVOLCS sa sitwasyon sa bulkan.
Facebook Comments