Mount Sinabung sa Indonesia, muling nagpakawala ng mainit na abo

Makalipas ang pitong buwan, muli na namang nagpakawala ng mainit na abo ang Mount Sinabung sa North Sumatra, Indonesia.

Ayon sa Indonesia’s Volcanology and Geological Hazard Mitigation Centre, may taas na limang kilometro ang ibinuga nitong abo.

Dahil dito, nakataas na sa ikalawang pinakamataas na level na ang probinsya ng North Sumatra.


Sa ngayon, walang naitalang nasawi ang otoridad ngunit patuloy na hinihikayat ang mga residente na panatilihin ang layong 3 kilometro mula sa bunganga ng bulkan.

Facebook Comments