Nag-alboroto ngayong araw ang Mount Sinabung sa Karo, North Sumatra, Indonesia kung saan nagbuga ito ng usok at abo, dahilan para maglabas ng babala ang mga otoridad sa mga residente sa palibot ng bulkan na lumikas muna sa ligtas na lugar.
Isa ang Mount Sinabung sa 120 active volcanoes sa Indonesia na mahigpit na binabantayan ng mga otoridad dahil sa lokasyon nito na malapit sa Pacific “Ring of Fire”.
Wala namang naitalang nasugatan at nasawi sa pagsabog na may sukat na 5,000 metro.
Huling sumabog ang Mount Sinabung noong 2016 kung saan pito ang nasawi, habang 16 naman noong 2014.
Facebook Comments