Manila, Philippines – Kuntento ang Movement for restoration of peace and order sa unang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ang paguusapan ay ang peace and order.
Sa interview dito sa kampo krame kay Tessie Ang See, chairman ng Movement for restoration of peace and order, sinabi nitong maganda ang record nila lalo na sa anti-kidnapping sa bansa dahil tahimik nitong mga nakaraang dalawang buwan.
Sa ngayon aniya hindi sila inaabot ng madaling araw sa pagtutok sa mga kidnap for ransom cases.
Pero hindi pa rin daw maiwasan na malungkot sya dahil sa sinapit ng isang kidnap victim sa Angat, Bulacan na si Gertrudes Tan.
Nangyare ang insidente 2 buwan na ang nakakalipas kung saan matapos na hindi makapagbigay ng ransom ang pamilya ng biktima sa mga kidnappers ay pinatay nila ang biktima.
Nadismaya ang opisyal nang makasuhan ng AKG ang mga suspek pero nakalabas din nang makapag- piyansa
Kinuwestiyon ni See ang pag iisyu ng bail ng judge mula sa Quezon city gayung sa Bulacan naman nakasampa ang kaso.
Maliban pa rito, nagtataka rin si See kung bakit napayagan na makapag-pyansa ang mga suspek kahit pa kidnapping at murder ang kaos ng mga nito.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558