MOVING ON | Ciara Sotto – inaming nasa annulment process na sa kanyang kasal sa dating asawa na si Jojo Oconer

Manila, Philippines – Nasa proseso na daw ngayon ng annulment ang kasal ni aktress na si Ciara Sotto sa kanyang estranged husband na si Jojo “Joe” Oconer.

Pero, iwas ang aktress na pag-usapan ang proseso ng kanilang annulment basta ang mahalaga daw ay masaya siya ngayon.

Say ni Ciara – i’m free, i’m single, i’m fine and i’m happier.”


Ikinasal sina Ciara at Joe noong 2010 kung saan nagkaroon sila ng anak.

January 2016 nang kumpirmahin ni Ciara na umalis na siya sa bahay nila ni Joe, at bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Third party ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Facebook Comments