MP Sangki nagreport na sa BARMM Government

57

Opisyal ng nagreport kahapon sa tanggapan ni BARMM Interim Chief Minister Ahod Ebrahim ang bagong talagang myembro ng Bangsamoro Transition Authority Ali Sangki.
Si Sangki ang ika -79 ng myembro ng BTA matapos maiappoint ni Pangulong Rodrigo Duterte noong January 8.
Bukod sa tanggapan ni Chief Minister, tinungo rin ni MP Sangki ang tanggapan ni Speaker Pangalian Balindong. Masaya ring sinalubong ng ilan pang myembro ng BTA ang bago nilang kasamahan.
Bago naging myembro ng BTA , si MP Sangki ay nagsilbi bilang Executive Director ng Office on Muslim Affairs, Executive Officer ng Al-Amanah Investment Islamic Bank of the Philippines, Manager ng Southern Philippines Development Authority at nagsilbi na rin bilang Board Member ng Maguindanao .
Si MP Sangki ay ama ng kasalukuyang Gobernador ng Maguindanao Bai Mariam Sangki Mangudadatu .Kilala bilang Peace Advocate at nangunguna sa pagsulong ng karapatan ng mga Bangsamoro.
PIC: @MILFCHAIRMAN FB Page

Facebook Comments
From Advertisers