MPBL | Bacoor Strikers, tinalo ang Laguna Heroes

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Bacoor City Strikers ang Laguna Heroes sa kanilang naging laban sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Tinalo ng Bacoor ang Laguna sa score na 91-86 kung saan nanguna sa panalo ng Strikers ang dating mga PBA players na sina Gab Banal na may 25-points at 12-rebounds at Denok Miranda na may 29-points.

Samantala, tinalo din ng Davao Occidental ang Cebu City Sharks sa score na 71-64.


Nanguna din sa panalo ng Negros Occidental ang dating PBA player na si Bonbon Custodio na may 13-points.

Facebook Comments