NA-OFFEND | Dingdong Dantes, inaantay pa din ang sagot ng production team na gumamit sa kanilang mga larawan

Manila, Philippines – Inaantay pa din ng aktor na si Dingdong Dantes ang sagot ng production team ng isang teleserye kaugnay sa paggamit ng kanilang wedding photos at litrato ng kaniyang anak na si Zia.

Nabatid na nagpadala ng sulat si Dingdong kaugnay sa kaniyang pagkadismaya matapos na gamitin at inedit pa ng walang paalam ang mga nasabing larawan na talagang nakaka-offend sa aktor.

Idinetalye ni Dingdong ang insidente sa kaniyang personal na account sa facebook kung saan nalaman daw niya ito sa kanilang mga fans.


Hangad lang sana ni Dingdong ay maipaabot sa bumubuo ng teleserye na magkaroon ng courtesy at umaasa rin siya na ang insidenteng ito ay huwag na sanang mangyari pa ulit kanino man.

Facebook Comments