MPBL | Bobby Ray Parks Jr. – opisyal nang pumirma ng kontrata sa Mandaluyong El Tigre

Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na ang paglalaro ng two-time Asean Basketball League MVP na si Bobby Ray Parks Jr. para sa susunod na conference ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ayon sa agent niya na si Charlie Dy, pumirma na ng kontrata sa Mandaluyong El Tigre si Parks.

Si Parks ang pinakabagong manlalaro ng El Tigre na isa sa mga karagdagang team sa MPBL.


Nauna nang napigil ang pagkuha kay Parks dahil tiningnan pa kung kwalipikado siya para matawag na “homegrown player”.

Base kasi sa bagong rule ng MPBL, isang “fil-foreign” player lang ang pwedeng kunin kada team at dapat ay hindi ito lalagpas sa 6’4”

Facebook Comments