MPBL | Pagtanggap ng iba pang team sa MPBL, sarado na

Manila, Philippines – Hindi na tatanggap pa ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ng iba pang team para sa expansion nito.

Aabot sa 26 na koponan ang mga sasali sa darating na MPBL Datu Cup na magsisimula sa June 12.

Huling sumali sa listahan ng mga team ang Bacoor Strikers kung saan aayusin na ni Commissioner Kenneth Duremdes ang format at schedule ng bawat laro.


Nanindigan din si Durtemdes sa rules at regulation na ipinapatupad ng liga na isang Fil-foreign kada team lang ang pwedeng maglaro na may height limit na 6-foot-4 at humingi na lamang ito ng pang-unawa sa mga players na naapektuhan.

Facebook Comments