LIGTAS NA | Ilang residente ng Butig, Lanao del Sur, unti-unti nang nagsibalikan

Lanao del Sur – Unti-unti nang nagbalikan ang mga residente sa bayan ng Butig, Lanao del Sur na naging sentro ng bakbakan sa pagitan ng militar at Maute-ISIS Group.

Ayon kay Lieutenant Colonel Edgar Villanueva, commander ng 49th Infantry Battalion, bagaman wala na ang dating problema ng terorismo sa lugar, hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap sa mga natitirang miyembro at tagasuporta ng Maute Group.

Aniya, nakatutulong sa kanila ang mga residente ng Butig na mismong nagtuturo sa kanila sakaling may mga kahina-hinala sa paligid.


Patuloy naman ang pagiging aktibo ng militar sa mga gawain sa komunidad, gaya ng pagdaraos ng sports events at pagpapakalat ng mga bagong bandila sa bawat paaralan.

Facebook Comments