Aminado ang Manila Police District (MPD) na itinuturing nilang security nightmare sakaling dumagsa ang mahigit kalahating milyong mga deboto ng Itim na Nazareno.
Ayon kay MPD Director Police Brigadier General Leo Francisco, kahit mag-deploy sila malaking bilang ng mga pulis, kapag dumagsa ang mga deboto ay baka hindi masunod ang health at security protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face shield at face mask.
Makailang ulit na rin na nanawagan ang MPD sa mga deboto at sa pamunuan ng Quiapo Church na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan dahil pa rin sa panganib na dulot ng COVID-19 pandemic.
Nagtakda na rin ang MPD ng apat na lugar na pagdadausan ng magkakahiwalay na aktibidad.
Kabilang na dito ang Quiapo Church, Sta. Cruz Church, San Sebastian Church at Nazarene Catholic School.