Gagamit ng yantok o knightstick ang Manila Police District (MPD) sa pagpapatupad ng social distancing ngayong Simbang Gabi.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Dir. Pol. Brig. Leo Francisco, nakalatag na ang Oplan Ligtas Pasko 2020 ng MPD kung saan bukod sa pagpapatupad ng social distancing sa Simbang Gabi, maaring gumamit ang mga pulis ng yantok sa pag-aresto sa mga magpapasaway.
Mahigpit ding ipatutupad ang pagsusuot ng face mask sa mga matataong lugar.
Sa unang pagkakataon, ililista lamang ng mga pulis ang mga lumabag sa protocol bago sila bigyan ng libreng face mask.
Subalit sa ikalawang pagkakataon ay aarestuhin at kakasuhan na ang mga lalabag sa health protocols.
Facebook Comments