MPD, handa na sa para protektahan ang mga delegado at head of states na dadalo ASEAN Summit sa bansa

Manila, Philippines – Handa na ang puwersa ng Manila Police District sa pagbibigay ng seguridad sa mga delegado at head of state sa gaganaping Asean Summit sa bansa.

Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel na target nito ang Zero Incident sa gaganaping Asean Summit sa bansa kung saan magpapakalat ito ng 3 libong mga pulis para ipakakalat at magbigay seguridad sa lahat ng delegado at head of state na kasama sa Asean Summit.

Babantayan din ng mga ipinakalat na mga pulis 24/7 ang lahat ng tutuluyan daraanan ng mga kasapi sa ASEAN Summit at bawat delegado ay may magsisilbing escort saan man ito magtunggo upang masigurong ligtas ang mga ito sa pananatili sa bansa.


Nanawagan din si Coronel sa publiko na makiisa sa pagbabantay at isumbong ang mga nakikitang kahina-hinalang bagay o kilos sa kanilang mga nasasakupan upang agad mabigyan ng agarang action ng mga nakakalat na mga pulis sa iba’t ibang lugar mga lugar.

Facebook Comments