Pansamantalang isinasara ang Headquarters ng Manila Police District (MPD) dahil sa isinasagawang kilos-protesta ng mga militanteng grupo.
Ipinapanawagan ng Kilusang Mayo Uno at Anakbayan na palayain na ang tinatawag nilang US Embassy-six.
Sila ang mga kabataang aktibista na hinuli sa kalagitnaan ng kilos protesta noong Labor Day sa harapan ng tanggapan ng US Embassy sa Maynila.
Ayon sa mga grupo, gumagawa ng delaying tactics umano ang pulisya para hindi agad mapalaya ang mga inaresto.
Hindi ito ang unang beses na sinugod ang tanggapan ng MPD para hilingin ang pagpapalaya sa tinawag din nilang Mayo Uno Six
Facebook Comments