MPD, hindi binabago ang red alert status simula pa noong kaguluhan sa Marawi City

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Manila Police District na hindi nila binago ang Red Alert Status sa Manila, sapul ng magsimula ang digmaan sa Marawi City laban sa Maute-ISIS group hanggang ngayong paparating na ang Undas.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, simula ngayong Oktubre a-28 ay sisimulan na nila ang deployment ng kanilang mga tauhan para sa MPD Oplan Undas Help Desk sa mga terminal ng bus kasama na rito ang mga bus terminal sa bahagi ng Sampaloc, Sta. Cruz, at Lawton area sa Manila.

Paliwanag ni Margarejo, 1,300 pulis Maynila ang ipakakalat ng MPD para sa pagtaya ng seguridad ngayong Undas para sa North Cemetery, South at Chinese Cemetery tutulong din ang bilang ng Force Multiplier mula sa AFP, BFP kasama ang mga itatalagang Medical Personnel mula Manila Health Dept. DOH at Philippine National Red Cross.


Aminado si Margarejo na bukod sa seguridad para sa Undas patuloy din nilang tinututukan ang seguridad para sa nalalapit na ASEAN Summit kung saan tinatayang nasa 70 porsyento ng operatiba ng MPD ay itatalaga sa ibat ibang assignment na may kinalaman sa pagtaya ng seguridad para sa mga delegado ng ASEAN Summit.

Facebook Comments