Mahigpit na nagpapaalala ang Manila Police District (MPD) sa publiko na bawal ang mag-overnight sa Manila North Cemetery.
Ito’y matapos na may ilang indibidwal ang nagtangkang magpalipas ng gabi para bisitahin ang puntod ng kanilang yumao.
Paliwanag ng MPD, hindi muna pinapayagan ang overnight sa Manila North Cemetery hanggang November 2.
Sinabi naman ni MPD Public Information Office Chief Maj. Philipp Ines na ang naturang patakaran ay ipinapatupad din sa Manila South Cemetery kaya’t maiging iwasan at huwag nang ipilit pa ang pag-o-overnight.
Humihingi naman ng pang-unawa ang MPD sa publiko kung saan ang kanilang ginagawa ay sa kapakanan ng lahat upang maging payapaya at maayos ang paggunita ng Undas.
Facebook Comments