Bilang ng mga nagtungo sa mga pampublikong sementeryo sa ilalim ng Manila LGU, umabot ng higit 78-K

Umaabot sa higit 78,000 ang natungo sa mga pampublikong sementeryo sa ilang pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa datos na inilanas ng Public Imformation Office, nasa 67,350 na indibidwal ang pumunta sa Manila North Cemetery habang 10,745 ang bumisita sa Manila South Cemetery.

Una nang nag-inspeksyon si Mayor Honey Lacuna sa mga nabanggit na sementeryo upang masiguro ang kalinisan at kaayusan.


Aniya, may mga e-trike na magbibigay ng libreng sakay sa mga prayoridad tulad ng senior citizen, PWDs, mga buntis, at mga may dalang mga sanggol.

May mga nakatalagang first aid station at naka-standby na ambulansansya sa mga nasabing semeteryo kung sakaling kailanganin ang aksyong medikal ng mga bisita.

Bukod dito, nakakalat na rin ang mga portalets at police help desk na naka-standby para sa pangangailangan ng lahat.

Muling paalala ng alkalde na panatilihing malinis ang paligid lalo na ang mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Facebook Comments