Kinumpirma na ng Manila Public Information Office na papasok na ang Manila Police District sa imbestigasyon laban sa limang punong barangay na isinasangkot sa iregularidad sa pamamahagi ng ayuda sa kanilang constituents.
Ayon sa Manila PIO, ipinag-utos na mismo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pag-iimbestiga sa limang barangay chairman na sina…
- Brgy. 62 Z-6 D-1 PB Erwin Catacutan Jr.
- Brgy 71 Z-6 D-1 PB Rodrigo Villarde
- Brgy 61 Z-5 D-1 PB Edgardo Fojas
- Brgy 306 Z-30 D-3 PB Joey Uy Jamisola
- Brgy 43 Z-3 D-1 PB Irene Padasas
Ang hepe ng Special Mayor’s Reaction Team na si Police Major Rosalino Ibay Jr. ang inatasang magsagawa na ng imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito.
Sakaling mapatunayan na may basehan ang reklamo ng mga residente laban sa mga barangay officials, maaaring makasuhan ang mga ito ng paglabag sa;
-Sec 6 paragraph a of RA 11469 or the “Bayanihan to Heal as One Act”;
-RA 3019 or the Anti-graft and Corrupt Practices Act;
-RA 6713 code of conduct and ethical standards for public officials and employees in relation to city ordinance no. 8638 of regular session no. 58 of the 11th City council (MDSW for Welfare Goods Expenses).