MPD mahigpit pagbabantay sa mga simbahan kasunod ng pagkasunog ng Notredame sa Paris

Dobleng higpit ngayon ang ginagawa ng mga tauhan ng Manila Police District sa mga simbahan sa Maynila kasunod na rin ng malagim na insidente  sa Paris France kung saan nasunog ang Notredame Cathedral.

Ayon kay MPD District Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. nagtalaga na siya ng mga pulis sa lahat ng mga simbahan sa Maynila upang matiyak ang seguridad ng mga mananampalataya na magtutungo para sa Visita Iglesia ngayong darating na Huwebes Santo.

Paliwanag ni Danao ayaw  nilang maging kampante na posibleng samantalahin ng mga teroristang grupo ang paggunita ng Semana Santa.


Umapila rin ang heneral sa publiko na maging mapagmatyag at isumbong agad sa pulisya kung mayroon silang napapansin na may kahina-hinalang bagay o tao sa kanilang lugar.

Facebook Comments