Inilabas ng pamunuan ng Manila Police District o MPD ang mga paalala sa publiko kaugnay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa National Museum, bukas, June 30, 2022.
Kabilang dito ang mga pinapagayan at bawal na dalhing kagamitan ng mga taong nais makita nang personal ang panunumpa ni Marcos bilang ika-17pangulo ng bansa.
Ilan sa mga kagamitan na mga pinapayagan ay ang:
– Transparent/see-through na bag
– Cellular phones o camera
– Inuming tubig ngunit dapat nasa clear o transparent na bote o lalagyan
– Pagkain
Habang ang mga ipinagbabawal na gamit ay ang:
– Pagsusuot ng sando at tsinelas
– Pagdadala ng anumang uri ng armas, at kahit mga replica
– Pampasabog
– Matutulis na gamit at posporo
– Mga alagang hayop
– Mga lobo
– Nakalalasing na inumin
– Drones
– Tent
Upang maiwasan naman ang anumang posibleng aberya o problema sa pagdalo sa pagtitipon, narito ang mga paalala ng MPD:
– Mayroong dalawang “pathways” o maaaring daanan ng publiko patungo sa National Museum sa Padre Burgos, ito ay makikita sa Victoria Street at General Luna Street na bubuksan mula alas-6:00 ng umaga at isasara ng alas-9:00 ng umaga.
– Ang mga tao ay hinihimok na maglakad lamang patungo sa venue, habang ang mga may sasakyan ay pinapayuhang maghanap ng parking o mapaparadahan na malayo sa inaugural area.
– Huwag magtapon ng basura kung saan-saan at tiyakin na sumunod sa minimum public health standards para maka-iwas sa COVID-19.