Manila, Philippines – Naglabas ng traffic advisory ang MPD-traffic enforcement unit para sa mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga motorista sa pagsasara ng ilang kalsada sa Maynila bilang paghahanda Traslacion 2019.
Alas-11:00 pa lang ng umaga bukas, isasara na ang southbound lane ng Quezon Blvd. (Quiapo) para sa prusisyon ng mga replica ng Black Nazarene.
Kaya lahat ng mga sasakyan mula España Blvd. ay kailangan dumiretso ng Roxas Blvd./South Pier Zone/Taft Ave. at kumanan sa P. Campa, derecho ng Fugoso St., at diretso sa kanilang destinasyon.
Lahat ng naman ng mga sasakyan na papunta ng Quezon Blvd. mula A. Mendoza St. ay kailangang kumanan sa Fugoso, kaliwa sa Rizal Ave. at derecho sa kanilang destinasyon.
Ang mga isasara namang kalsada mula alas 10:00 ng gabi sa martes, january 8, kaugnay ng vigil at ‘pahalik’ sa Black Nazarene ay ang mga sumusunod:
§ Katigbak Drive at South Drive (isang lane naman ang bubuksan patungo ng manila at h2o hotel)
§ Northbound lane ng Quezon at MacArthur bridge mula Bonifacio Shrine onwards
§ Taft Avenue mula Ayala Blvd. hanggang Bonifacio Shrine
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.