MPD, nagpadala na ng mga tauhan para sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos

Nagsagawa ng send-off ceremony ang Manila Police District (MPD) para sa kanilang mga tauhan na idedeploy sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes, July 25, 2022.

Pinangunahan ni Police Col. Julius Añonuevo Commander ng District Mobile Force Battalion ng MPD ang seremoniya kung saan nasa 1,700 pulis ang idedestino nila sa SONA.

Mula ang mga pulis sa iba’t-ibang unit at division ng MPD na inatasan tumulong sa pagbabantay sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos katuwang ang iba distrito ng PNP.


Bukod dito, may mga naka-stand by pa ng personnel ang MPD sakaling kailanganin ng karagdagang mga pulis sa araw ng SONA.

Sa kabila nito, patuloy na nakabantay ang MPD sa lungsod ng Maynila kahit pa sa lungsod ng Quezon gagawin ang SONA upang masigurong walang anumang magiging banta sa seguridad at maging payapa ang unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.

Facebook Comments