Hirit na rally ng mga militanteng grupo sa SONA ni PBMM, bubusisiin ng QC LGU

64

Iniutos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) na rebyuhin ang hirit ng grupong ‘Bayan’ na makapagsagawa ng rally sa lungsod sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Lunes, July 25.

Pahayag ito ni Mayor Belmonte matapos umapela sa lady mayor ang grupong Bayan matapos hindi pag-bigyan ng DPOS ang aplikasyon na permit to rally nito.

Inutos ni Belmonte sa DPOS na humanap ng lugar na mayroong middle ground para sa aktibidad ng grupo.


Sinabi pa ni Belmonte na tiyak nilang tatalakayin ang hirit ng Bayan sa gagawin nilang pagpupulong para dito.

Ang final SONA coordination meeting ay isasagawa ngayong araw.

Si Mayor Belmonte ay nasa ibang bansa ngayon at dumalo sa International Visitor Leadership Program’s Summit for Democracy Initiative.



Facebook Comments