MPD, nakahanda na sa mga kilos protesta sa anibersaryo ng martial law

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Manila Police District na handang handa na ang mga pulis na ipakakalat sa lugar na posibleng pagdadarausan ng mga kilos protesta sa darating na huwebes ang ika 45 Anibersaryo ng batas militar.

Ayon kay MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo inaantay na lamang nila ang Security Plan na ilalatag ng District Operation Division kung ilang mga pulis ang idedeploy sa mga lugar na target ng mga militanteng grupo.

Magkakaroon din anya ng re-routing sa mga lugar na inaasahang matindi ang daloy ng trapiko dahil sa mga kaliwat kanan na kilos protesta.


Paliwanag ni Margarejo mayroon na rin silang isinasagawang contigency plan na gagawin sakaling magkaroon ng hindi inaasahang kaguluhan.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga lider ng ibat ibang militanteng grupo na magsasagawa ng kilos protesta upang maging maayos ang kanilang gagawing paglalatag ng mga aktibidad sa darating na anibersaryo ng batas militar.

Facebook Comments