Manila, Philippines – Nakipag-ugnayan na ang MPD sa International Police Organization upang matunton ang kinaroroonan ni Ralph Trangia na lumabas sa bansa nitong September 19 taong kasalukuyan.
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo hihilingin din nila sa DFA na kanselahin ang pasaporte ni Trangia para mapapabilis ang pagde-deport kay Trangia sa oras na siya ay matunton ng Interpol dahil lalabas na siya ay undocumented alien.
Natukoy na rin ng MPD ay lugar ng pinangyarihan ng hazing pero hindi muna ihahayag sa publiko para hindi masira ang kanilang mga ginagawang operasyon.
Kanina lumutang ang isang lalaki na hindi muna pinangalanan sa MPD kung saan mariin nitong itinanggi na siya ang nasa video na ipinalabas ng MPD sa mga telebisyon.
Facebook Comments