MPD, nanguna na sa pagbabantay sa pila ng mga deboto papasok ng Quiapo Church

Pinayagan na muli ng Manila Police District (MPD) Station-3 ang ilang mga deboto na makapasok sa loob ng simbahan ng Quiapo.

Ito’y matapos na pigilan ang mga deboto kanina kasabay ng pagbabanta na aaarestuhin sila dahi sa patuloy na paglabag sa ipinapatupad na health protocols.

Mismong si MPD Station-3 Commander Lt. Col John Guiagui kasama ang kaniyang mga tauhan ang nagmando na sa pila ng mga deboto para maging maayos at mapairal ang health protocols.


Nasa limang pasaway naman na deboto ang inaresto dahil sa hindi pagsunod sa health protocols na agad dinala sa PCP Station-3 kung saan sila isasailalim sa seminar saka bibigyan ng warning.

Umaabot na hanggang sa Rizal Avenue o sa ilalim ng LRT-1 ang pila kung saan sa may bahagi ng Carriedo pinapapasok ang mga deboto papuntang simbahan.

Sa ngayon, maayos na ang sitwasyon sa pila ng mga deboto na nais magtungo sa simbahan ng Quiapo ngayong unang Biyernes ng Hunyo.

Facebook Comments