Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ngayon ng Manila Police District ang paggamit ng body camera sa kanilang mga operatiba na nagsasagawa ng operasyon patungkol sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Ayon kay MPD Chief of Staff Senior Supt. Danilo Macerin layon ng paggamit nila ng bodycam ay upang maging transparent ang pulisya sa pagdodokumento ng bawat operasyon.
Anya na maaaring kunin ng mga Station Commander ang pondo sa Operational Fund ng bawat istasyon.
Naniniwala si Macerin na malaki ang maitutulong ng paggamit ng bodycam upang patunayan na mga suspek na unang nagpapaputok ng baril at nanlaban sa kanilang isinasagawang operasyon na may kinalaman sa ilegal na droga.
Paliwanag ng opisyal ang bodycam sa Maynila ay unang ginamit ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau laban sa mga lumalabag sa batas trapiko, mga nanunuhol at tiwaling Traffic Enforcers.