Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Manila Police District (MPD) sa nalalapit na kapistahan ng Sto. Niño.
Bukod sa patuloy na cleaning at clearing operation sa paligid ng simbahan ng Sto. Niño de Tondo, isa-isa na rin sinagip ang mga street dweller na nananatili rito.
Una na din ipinatupad ang zero vendors policy sa may bahagi ng Ilaya Street para sa prosisyon ng mahal na poong Sto. Niño na inaasahan rin dadagsain ng mga deboto.
Nakaalerto at patuloy na magmomonitor ang MPD sa ikakasang “LAKBAYAW” sa bisperas ng pista at ang pailaw namam madaling araw ng linggo.
Magapakalat din ng mga pulis sa iba pang bahagi ng Tondo para sa mga aktibidad na may kaugnayan sa naturang pista.
Naglatag na rin ng mga entrance at exit points para mas maging matiwasay ang mga deboto na magtutungo sa simbahan sa Tondo.