𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗚𝗕𝗨𝗚𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗡𝗔𝗪 𝗡𝗔; 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚-𝗣𝗜𝗬𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗡𝗣

Makikita sa CCTV footage na kumakalat ang naging kaganapan sa isang Bar sa Lungsod ng San Carlos nitong Linggo nang pagtulungang bubugbugin ng dalawang lalaki ang isang lasing na lalaki.

Dahil sa tinamong bugbog ng biktimang si Samuel De Vera, 30-anyos, residente ng Barangay Bolosan, mula sa kamay ng mga suspek at sa pagkakauntog nito sa semento ay na-comatose ito sa Region 1 Medical Center, ngunit sa kasamaang palad ay binawian na ng buhay ang biktima.

Samantala, sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay PLTCOL. Jose Abaya Jr. ay nahuli at nakasuhan ng kasong Homicide ng mga awtoridad ang mga suspek na kinalalang sina Carl Esperanza, 25-anyos at Jojo Lomibao, 27-anyos pawang mga residente ng Brgy. Pagal sa lungsod ngunit dahil maaaring piyansahan ang kanilang kaso ay nakapagpiyansa ang dalawa ng tig ₱40, 000 bawat isa.

Sa ngayon, hinihingian pa ng IFM News Dagupan ang panig ng pamilya ng biktima ukol sa insidenteng ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments